Wala namang nag-umpisang gumamit ng LaTeX na magaling na agad. Lahat tayo dadaan sa pagiging beginner kahit professional teachers na tayo, mga KasaMath. Although totoo naman na medyo nakakababa ng pride ang pag-amin na beginner pa lang tayo sa isang bagay, mahalaga ang pag-amin na ito para mas mapadali ang pagkatuto natin.
At para mas mapabilis ang transition natin from beginner to intermediate user, narito ang 7 tips na nakuha ko sa sarili kong experience sa 8 years na paggamit ko ng LaTeX. I hope makatulong sa'yo ang mga ito, KasaMath.
1. Be willing to learn
Wala kang mapapala kung di ka talaga interesado o kung pinipilit mo lang ang sarili mo na matuto. Gaya nga ng sabi ni Rico Blanco sa kanta niyang Antukin, "Kung ayaw, may dahilan, kung gusto, palaging mayro'ng paraan."
Mayroon nga tayong KasaMath na two days lang ang binuhos sa pag-aaral ng LaTeX pero nakakagawa na ng sarili niyang exam. Nakadepende lang talaga yan sa willingness mo, KasaMath.
2. Maghanap ng mentor
Ito ang isang regret ko sa pag-aaral ng LaTeX. Wala akong mapagtanungan kaya napilitan akong matuto mag-isa. Mas napabilis sana ang pag-aaral ko kung may nag-ga-guide man lang sa akin.
Kaya ngayong marunong na ako, gumawa ako ng LaTeX tutorials para magsilbing tulong at guidance sa mga gustong matuto.
3. Gamitin ang Project-based Learning
Mag-isip ka ng meaningful na LaTeX project na talagang malapit sa puso mo at mapapakinabangan mo sa pagtuturo. Ito ang alam kong pinakamabilis na paraan para matuto. Pwede mong i-set na goal ang makagawa ng exam o kaya makapag-draw ng figures gamit ang LaTeX.
In my case, ginamit ko ang LaTeX sa paggawa ng handouts dahil tamad talaga akong gumamit ng PowerPoint at projector. Nagpursige akong matuto dahil alam kong makakagaan sa trabaho ko ang handouts.
4. Mag-practice regularly
Ang reason kung bakit effective ang project-based learning ay dahil siguradong makakapag-practice ka ng madalas. Kung araw-araw kang mag-aaral ng video tutorials ko at magpa-practice ng LaTeX, I'm sure matututo ka rin KasaMath. Gumawa ako ng 1 Month Plan para mas mapadali sa'yo ang pag-aaral ng LaTeX.
5. Alamin kung paano humingi ng tulong
Dahil self-taught lang ako, natuto akong umasa sa online resources everytime mayroon akong di maintindihan. Isa sa resources na ito ang LaTeX Stack Exchange at syempre, Google. I recommend na gamitin mo rin ang mga ito KasaMath lalo na kung may mga tanong ka.
6. Basahin ang documentations
Bawat package na gagamitin mo sa LaTeX ay may sariling documentation kung saan makikita lahat ng commands na pwedeng gamitin. Downloadable ang mga ito sa ctan.org.
7. Magturo ng LaTeX
Mas mapapabilis ang pagkatuto ng LaTeX kung ituturo mo rin sa iba ang natutunan mo. Kung baga, Teach-back technique. Pwede ka ring gumawa ng sarili mong video tutorials para dumami pa tayong mga passionate about LaTeX.
Ito ang 7 tips ko sa mga beginner na gustong matuto ng LaTeX. I hope napakinabangan mo ang mga ito KasaMath. Kung may comment o suggestion ka, mag-email ka lang sa texmathpro@gmail.com.
Happy learning, KasaMath!
0 Comments