May mga nagsasabing luma na ang paggamit ng flashcards kaya di na bagay gamitin ngayon. Pero sa 8 years of teaching experience ko sa junior high school, nakita kong napaka-effective ng flashcards sa pagtuturo ng basic skills dahil sa simple at repetitive nature nito.
Para mas ma-convince ka KasaMath na gumamit nito, narito ang advantages at disadvantage ng paggamit ng flashcards na natutunan ko sa pagtuturo sa grade 8.
Advantages of Using Flashcards
1. Portable
Hindi kagaya ng laptop at projector, napakadaling dalhin ng flashcards dahil ordinaryong printed material lang naman ito. Imbes na magse-setup ka pa ng laptop at projector para makagamit ng PowerPoint, mas magaan at hassle-free ang paggamit ng flashcards.
2. Good classroom management technique for managing noise
Pagpasok ko ng classroom at pagkatapos mag-greeting, ang unang sasabihin ko ay "Flashcards tayo!" Wala nang time dumaldal ang mga bata dahil nagkukumahog silang kunin ang notebook nila.
In 5 seconds, tahimik agad ang buong klase dahil lugi sila pag di nila nasilip at nasagutan ang flashcards.
Pwede mo ring i-adopt ang technique na ito para mabilis mong mapatahimik ang klase mo, KasaMath.
3. Good classroom management technique for giving rewards
Kapag natutuwa ako sa buong klase, binibigyan ko sila ng reward na panglahatan.
Halimbawa, kung active sila at behaved sa classroom observation, ginagawa kong perfect score ang flashcards nila for one day.
Pwede mo ring gamitin ang score nila sa flashcards para i-reward sila individually. Dapat nga lang tama ang frequency ng pagbibigay ng rewards para hindi abusuhin.
4. Good classroom management technique for giving punishment
Syempre ito ang other side ng previous point. Kung pwedeng gamitin as reward, pwede ring gamitin as punishment ang scores ng mga bata sa flashcards.
Pero ginagamit ko lang ito kung medyo mahirap kontrolin ang behavior ng mga bata.
Halimbawa, kung sobrang ingay ng klase, sasabihin ko lang na magbibilang ako sa board hangga't maingay sila. Bawat bilang ko ay ibabawas sa flashcards nila for that day.
Pag may nakita na silang tally sa board, sila na ang magsasaway sa mga katabi nila.
Very effective ito dahil collective misbehavior ang kino-correct gamit ang pagbawas ng scores nila sa flashcards.
5. Extra source of grades
Technically, di naman talaga dapat recorded ang flashcard scores ng mga bata dahil kadalasan di naman ito related sa lessons. Pero kung wala kang mapagkunan ng grades, pwede na rin ito. I-record mo na lang under ng written works.
Very applicable ito sa mga batang wala talagang ginagawa sa klase. Dahil araw-araw kang nagpapa-flashcards at buong klase ang gumagawa, napipilitan na rin silang magsagot kaya kahit paano may scores kang marerecord.
6. Great warm-up activity
Kapag fully established na sa everyday routine mo ang pagpapasagot ng flashcards bago mag-lesson, hindi na problema ang pagpapa-warmup ng klase. Pagkatapos kasi magsagot ng flashcards, alam na ng bata ang susunod na mangyayari (which is motivation o lesson, depende sa'yo) kaya ready na silang makinig.
7. Good for practice and repetition
Ito naman talaga ang purpose ng flashcards, ang paulit-ulit na ma-practice ng mga bata ang basic skills kagaya ng operations on integers, laws of exponents, simplifying algebraic expressions, rational expressions, radical expressions, at trigonometric functions.
Sa experience ko, sa umpisa ng school year walang pumapasa sa flashcards, pero pag 4th quarter na, halos lahat pumapasa na.
Ito ang power ng practice and repetition, KasaMath. I hope magamit mo rin ito sa klase mo.
8. Great as filler activity
May mga araw na mabilis natatapos ang lesson at nauubusan tayo ng ipapa-activity. Dito magandang "magpalipas" ng oras gamit ang flashcards.
Mas OK talaga kung lagi kang may naka-ready na flashcards para di ka mauubusan ng ipapagawa.
Disadvantage of Using Flashcards
Sa totoo lang, isa lang ang naiisip kong disadvantage sa paggamit ng flashcards. Ito ay ang possibility na pwede siyang maging time-consuming. Pero mangyayari lang naman ito kung hindi ka time-conscious at deliberate sa activities na pinapagawa mo.
Maging strict ka lang sa time allotment mo. Ako, sinisiguro ko na 5 seconds lang ang time para makita ng mga bata ang bawat flashcard at 15 seconds lang ang pag-reveal ng sagot. Within 2 minutes, tapos na ang pagpapasagot ng flashcards.
In this way, hindi makakaubos ng oras ang pagpapasagot at makakapag-focus ka na sa pagtuturo.
Final thoughts
Sa experience ko, mas marami akong na-discover na advantages sa paggamit ng flashcards kumpara sa disadvantages. I hope mapakinabangan mo rin ang advantages na ito, KasaMath.
Kung may comment ka sa article na ito, o kung may topic ka na gustong i-suggest, mag-email ka lang sa texmathpro@gmail.com.
Happy teaching, KasaMath!
0 Comments