Attention, high school Math teacher!
1. Telegram
Pampalit sa Facebook Messenger. Pwede magsend kahit 2GB ang files mo. Mas madali rin ang pagsesend ng files at walang pinipiling file type, di gaya ni Messenger.
2. LibreOffice
Pampalit sa Microsoft Office. Highly compatible sa Word, Excel, at PowerPoint. Halos lahat ng ginagawa natin sa Office kagaya ng Word documents, PowerPoint presentations, at Excel spreadsheets, pwede nating magawa sa LibreOffice.
3. Syncthing
Pampalit sa Google Drive. Di mo na kailangan umasa kay Google para i-synchronize ang files mo. Pwede rin ito sa kahit anong device kaya sigurado kang laging updated ang files na nasa laptop at smartphone mo.
4. Firefox
Pampalit sa Google Chrome. Mas focused ito sa security at privacy kaya mas bagay sa ating teachers.
5. GIMP
Pampalit sa Photoshop. Pang-edit ng pics pang-IPCRF.
Ang number one advantage ng paggamit ng FOSS ay ang pagiging LIBRE. Alam ko naman na tayong mga teacher ay mahilig sa libre kaya highly recommended ko ang paggamit ng FOSS.
I hope makatulong sa iyo ang article na ito KasaMath. Kung may tanong ka o comment, mag-email ka lang sa texmathpro@gmail.com.
Happy teaching, KasaMath!
0 Comments